Palasyo: Pamimigay ng prangkisa ng mga modernong jeep bahala na ang LTFRB
Ipinauubaya na ng palasyo ng malakanyang sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapasya kung mamadaliin ang pagbibigay ng prangkisa at ruta para sa modernisasyon ng mga jeep.
Pahayag ito ng palasyo sa tanong kung anong gagawing solusyon ng pamahalaan sa pagpalya ng operasyon ng LRT at MRT, dahilan para igiit ng grupong Bayan na nakararanas ng mass transport crisis ang Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang LTFRB ang higit na nakaalam sa sitwasyon.
Maaari aniyang may sariling rason ang ahensya sa pagkaantala sa paglalabas ng prangkisa ng mga bagong jeep.
Regular din aniya na nagsusumite ang iba’t ibang departmento ng pamahalaan ng briefer kay Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya batid nito ang problema ngayon sa LRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.