Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Pangasinan, Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 26 kilometers Southwest sa bayan ng Bolinao bandang 7:55 ng gabi.
May lalim ang lindol na 27 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.