Patay ang isang 20-anyos na lalaki matapos ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Chorillo Street. sa Barangay Barangka, Marikina City.
Kinilala ang biktima na si Salvador Aller Jr. na ayon kay FO1 Lenalyn Boloseño ay lasing nang mangyari ang insidente.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Boloseño na katatapos lamang magdiwang ng kaniyang kaarawan kagabi ni Aller.
Matapos maapula ang apoy, nakita ang wala nang buhay na si Aller sa loob ng comfort room ng bahay.
Tinatayang limang pamilya ang nawalan ng bahay dahil sa nasunog na apartment na gawa sa pinagsamang kahoy at konkreto.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Marikina Bureau of Fire Protection posibleng ang sirang bentilador ng pamilya Aller ang pinagmulan ng sunog.
Humigihit-kumulang P50,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.