Malakanyang hindi nababahala sa pagbaba ng net satisfaction rating ni Pangulong Duterte
Hinihimok ng Palasyo ng Malakanyang ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan na pag ibayuhin pa ang pagbibigay serbisyo publiko.
Pahayag ito ng palasyo matapos bumagsak ang net satisfaction ratings ni Pangulong Duterte sa plus 65 percent sa buwan ng Setyembre o third quarter Survey ng Social Weather stations kumpara sa plus 68 percent noong Hunyo.
Pero ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, welcome pa rin ang naturang survey dahil maituturing na mataas pa rin ito.
Patunay aniya ito na kuntento pa rin ang taong bayan sa trabaho ng Pangulo.
Ayon kay Panelo, noon pa man balewala para kay Pangulong Duterte ang mga survey dahil nakatutok lamang siya sa pangangalaga sa buhay ng bawat Pilipino at maitaguyod ang kalayaan at karangalan ng bawat Pilipino.
Hindi aniya kailanman apektado si Pangulong Duterte sa mga survey.
Ang mahalaga ayon kay Panelo ay patuloy na nagtitiwala ang taong bayan sa uri ng pamumuno at polisiya ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.