Posibilidad na arson sa sunog sa rectifier ng LRT 2 inalis na ng LRTA
Isinantabi na ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority ang anggulong arson sa pagkasunog ng rectifier ng Anonas Station ng LRT line 2.
Sa pagdinig ng House Transportation Committee sinabi ni LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, equipment failure at kidlat ang kanilang tinitingnang dahilan ng sunog.
Pero pinuna ito ng Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa pagsasabing wala namang ulan nang maganap ang insidente.
Paliwanag pa ni Cabrera, hindi nila makalikot ng husto ang lugar kung saan naganap ang sunog dahil nasa hurisdiksyon pa ito ng Bureau of Fire Protection.
Kapag nalaman anya nila ang mismong piyesa na nasira maaring mapabilis ang pagbabalik sa normal ng operasyon ng LRT2 dahil sa 189 na items na kailangan, 11 lamang ang wala sa kanila habang lima lamang ang nagalaw sa loob ng limang taon.
Kung wala naman sila ng kailangang piyesa ay saka pa lamang sila makaka order.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.