Mga kubol ng mayayamang preso sa loob ng bilibid giniba ng BuCor

By Den Macaranas October 09, 2019 - 04:39 PM

Inquirer file photo

Sari-saring mga kontrabando ang nakuha ng mga otoridad sa pagdemolish ng ilang istraktura sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Maaga pa lamang kanina ay sinimulan na ang pagdurog sa ilang mga kubol na pagmamay-ari ng ilang mayayaming inmates sa bilibid.

Sinabi ni BuCor Director Gerald Bantag na kailangan nilang gawin ang demolisyon bilang bahagi ng kampanya laban sa kriminalidad at iligal na droga sa loob ng pambansang piitan.

Kabilang sa mga nakuhan kontrabando ay mga armas, shabu, sex toys, cash pati na rin ng iba’t ibang klase ng appliances.

Kasama sa ginawang operasyon ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines Joint Task Force NCR, Bureau of Jail Management and Penology NCR, Bureau of Fire Protection NCR, Philippine Drug Enforcement Agency, Department of Public Works and Highways at Philippine National Police Special Action Force.

Sinabi naman ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar na tuloy-tuloy rin ang kanilang pagtutok sa loob ng bilibid lalo’t nagpapatuloy umano ang operasyon sa loob ng mga nakakulong na drug personalities.

TAGS: AFP, bantag, bucor, demolition, NBP, NCRPO, AFP, bantag, bucor, demolition, NBP, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.