Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DFA na makatutulong ang bagong regulasyon para magbabala sa mga turistang Filipino sa Saudi Arabia ukol sa public behavior.
Kabilang dito ang pananamit, public display o affection, pagkuha ng larawan sa isang tao nang walang permiso, pagpapatugtog tuwing oras ng dasal at iba pa.
Sinabi ng kagawaran na ang Saudi Police ang responsable sa pagtutok sa mga paglabag.
Sakaling mahuli, maaring magsumite ng grievance claim sa Common Courtesy Department para iapela ang multa.
Kasunod nito, hinikayat naman ng DFA ang mga turistang Pinoy sa Saudi arabia na alamin ang mga Saudi public decency laws para maiwasan ang paglabag.