Problema sa mass transport isinisi ng Malakanyang sa nagdaang administrasyon

October 09, 2019 - 01:13 PM

Isinisisi ng Malakanyang sa nakaraang administrasyon ang problema sa transportasyon sa Metro Manila.

Tugon ito ng palasyo sa gitna ng paninindigan na walang mass transport crisis taliwas sa pahayag ng militanteng grupong BAYAN.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, noon pa man, humihingi na ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang problema sa trapiko at transportasyon subalit ipinagkait ito ng kongreso.

Sinabi pa ni Panelo na ang problema ngayon sa LRT at MRT ay bunga ng kapabayaan at kapalpakan ng mga nakaraang administrasyon.

Puspusan aniya ang ginagawa ngayon ng administrasyon ni Pangulong Duterte na ituloy ang rehabilitasyon sa MRT at LRT pati na ang konstruksyon ng Metro Manila Subway, MRT-7, LRT-1 Cavite Extension at PNR Clark.

Nanindigan pa si Panelo na walang mass transport crisis kahit na palyado ang operasyon ng MRT at LRT sa Metro Manila.

TAGS: LRT, mass transport, mass transport crisis, MRT, Spokesperson Salvador Panelo, LRT, mass transport, mass transport crisis, MRT, Spokesperson Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.