Pagtatalaga kay Mocha Uson sa OWWA labag sa batas ayon sa isang kongresista

By Erwin Aguilon October 09, 2019 - 01:10 PM

INQUIRER PHOTO / RICHARD A, REYES

Naniniwala si Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun Nilabag ang constitutional provisions sa term at election ng partylist nominees sa pagtatalaga kay Mocha Uson bilang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay Fortun na base sa Article 9B, Section 6 ng 1987 Constitution, nakasaad na walang natalong kandidato ang maaring maitalaga sa anumang posisyon sa pamahalaan sa loob isang taon matapos ang eleksyon.

Nauna nang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang nasabing ban ay hindi applicable kay Uson dahil ang isang partylist nominees ay hindi rin lang isang kandidato.

Ikinagulat naman ng kongresista ang nasabing pahayag at sinabi na ibig sabihin ba nito na ang isang kandidato sa eleksyon ay ang partylist lang.

Iginiit naman ni Fortun na taliwas sa Article VI, Section 7 ng constitution ang pahayag ng Comelec na ang ibig sabihin din ay ang 3 term limit para sa isang miyembro ng House ay hindi na aapply sa partylist nominees na nagsilbi na ng tatlong termino.

TAGS: Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, mocha uson, Overseas Workers Welfare Administration, OWWA, Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, mocha uson, Overseas Workers Welfare Administration, OWWA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.