DILG pakikialaman na ang listahan ng DSWD sa 4Ps beneficiaries

By Jong Manlapaz October 09, 2019 - 01:05 PM

Makikialam na ang Department of Interior and Local Government (DILF) sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga tumatanggap ng tulong pinasyal ng pamahalaan sa pamamagitan ng 4Ps.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año nagkasundo sila ng DSWD sa pamamgitan ng Memorandum of Understanding (MOU) para sa “Listahanan 3” na salain ang mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Tiniyak ni Año, sa pamamagitan ng “Listahanan 3”, makatitiyak umano ang publiko na sa totoong mga mahihirap at nangangailangang pamilya lamang maihahatid ang tulong mula sa pamahalaan.

Ang pagpasok ng DILG sa usapin ay base na rin sa napapaulat na may mga beneficiary ng 4Ps ang hindi totoong mahirap.

Sa latest na datos ng DSWD aabot sa 144 cities at 1,483 municipalities sa 80 provinces naipapatupad ang 4Ps, na pinakikinabangan ng mahigit 4.8 milyon pamilya.

TAGS: 4Ps beneficiaries, DILG, dswd, Listahanan 3, 4Ps beneficiaries, DILG, dswd, Listahanan 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.