Net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte bahagyang bumaba sa latest SWS Survey

By Dona Dominguez-Cargullo October 09, 2019 - 01:02 PM

Nananatiling nasa “very good” ang nakuhang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa September 2019 survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa nasabing survey, nakakuha ang pangulo ng +65 na rating, bahagyang mababa kumpara sa +68 na nakuha niya noong June 2019 survey.

Sa survey na isinagawa noong Sept. 27 hanggang 30 ay 78% ng respondents ang nagsabing sila ay satisfied o kuntento sa performance ng pangulo, 13% ang dissatisfied at 9% ang undecided.

Sa Metro Manila at Visayas ay nakapagtala ng pagtaas ng satisfaction rating ang pangulo.

Gayunman, malaki ang naitalang pagbaba sa Balance Luzon at sa Mindanao.

TAGS: president duterte, satisfaction rating, SWS, president duterte, satisfaction rating, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.