Vice Mayor sa Masbate patay sa pananambang sa Maynila; 2 pang kasama, sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo October 09, 2019 - 12:47 PM

Patay sa pananambang ang kasalukuyang vice mayor ng Batuan Ticao Island sa Masbate na si Charlie R. Yuson III.

Si Yuson ay tinambangan sa Sampaloc, Maynila alas 8:45 ng umaga ng Miyerkules, Oct. 9.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District, nag-aalmusal sa harap ng bahay sa VG Cruz Street si Yuson kasama ang dalawa pa na sina Wilfredo Pineda at Alberto Alforte nang sila ay pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek.

Isinugod pa sa UST Hospital ang bise alkalde pero nasawi din habang patuloy namang ginagamot sina Pineda at Alforte.

Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng sakay ng kulay silver gray na van na may plakang ACM 8804.

 

TAGS: ambush, Batuan Ticao Island, Masbate, Sampaloc Manila, Vice-mayor, ambush, Batuan Ticao Island, Masbate, Sampaloc Manila, Vice-mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.