2 patay, 1 sugatan sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Northern Samar

By Dona Dominguez-Cargullo October 09, 2019 - 11:42 AM SHARE(S):

Patay ang dalawang katao habang sugatan ang isa pa sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Northern Samar, Martes (Oct. 8) ng gabi.

Nasawi si Chiquito Arandia, treasurer ng Barangay Gecboan ng bayan ng Silvino Lobos at kaniyang asawang si Ailyn matapos pagbabarilin sa Barangay Poblacion.

Dead on the spot si Ailyn habang si Chiquito ay idineklarang dead on arrival sa Northern Samar Provincial Hospital sa Catarman.

Samantala, sa bayan naman ng Lope De Vega, sugatan sa pananambang ang kapitan ng Barangay Gebunawan na si Joseph Pahimnayan.

Ilang minuto lamang ang pagitan ng dalawang insidente ng pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

TAGS: ambush incident, lope de vega, nothern samar, Silvino Lobos, ambush incident, lope de vega, nothern samar, Silvino Lobos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.