Grade 11 student patay nang makuryente malapit sa poste ng traffic light sa Panacan, Davao City

By Jimmy Tamayo October 09, 2019 - 11:33 AM SHARE(S):

Patay ang isang grade 11 student matapos makuryente malapit sa poste ng traffic light sa Panacan, Davao City Martes (Oct. 8) ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Laurence Allen Barrios Siarot, 19 – anyos na estudyante ng Rizal Memorial Colleges (RMC) at residente ng Avocado St., Doña Mercedes Subdivision.

Ayon sa ulat, malakas ang ulan nang nakaapak sa basang semento malapit sa poste ng traffic light ang biktima at bigla na lamang natumba at nangisay bandang ala-1:30 ng madaling araw.

Nakita ng isang security guard na nakilalang si Frederick Tolibas ang pagtumba ni Siarot kaya agad itong humingi ng tulong pero marami umano ang ayaw lumapit sa biktima sa takot na makuryente din.

Naisugod pa sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) si Siarot pero idineklarang dead on arrival.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang pulisya sa pangyayari.

TAGS: Davao City, panacan, Rizal Memorial Colleges, Southern Philippines Medical Center, Davao City, panacan, Rizal Memorial Colleges, Southern Philippines Medical Center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.