Mahigit 100 kapitan ng barangay sa Maynila nanganganib masuspinde dahil sa hindi pagsasagawa ng clearing operations sa kanilang nasasakupan
Mahigit 100 kapitan ng barangay sa Maynila ang nabigong makapaglinis ng kanilang nasasakupan pagkatapos ng 60 araw na deadline ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño, sa susunod na 72 oras o ngayong linggong ito ay padadalhan nila ng show cause order ang mahigit 100 kapitan ng barangay.
Kapag nabigo silang makapagpaliwanag kung bakit hindi sila nakasunod sa kautusan ay susupindihin sila sa pwesto at sasampahan sila ng reklamo sa Office of the Ombudsman at susupindihin.
Ayon kay Diño base sa kanilang assessment ay napakaraming kapitan sa lungsod ng Maynila na walang ginawa at hindi naglinis ng kanilang nasasakupan.
Kabilang sa hindi aniya naalis ay ang mga ilegal na nakaparada at illegal vendors.
Sa sandaling mapatawan ng suspensyon, sinabi ni Diño na ang first kagawad ang papalit sa kanilang pwesto.
Samantala, sinabi ni Diño na kung ang mga alkalde naman ang matutuklasang hindi sumunod sa pagsasagawa ng clearing operations, si Sec. Eduardo Año ay magsusumite sa Office of the President ng listahan ng mga ‘non compliant’ mayors.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.