Paggiba sa mga kubol sa Bilibid inumpisahan na ng BuCor at NCRPO

By Dona Dominguez-Cargullo October 09, 2019 - 09:34 AM

Sinimulan na ang paggiba sa mga kubol sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, unang giniba ang isa sa mga quadrant sa loob ng Bilibid.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Eleazar, maliban sa mga dormitoryo ay maraming kubol ang itinayo sa loob ng Bilibid at nagpasya si bagong BuCor chief Gerald Bantag na alisin ang mga ito.

Ani Eleazar, katuwang sa paggiba ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagpadala ng heavy equipment para magamit sa paggiba.

Kinumpirma din ni Eleazar na may tinanggal nang tauhan ng Special Action Force (SAF) sa Bilibid.

Ani Eleazar, kahapon naipatupad na ang pag-alis sa isang grupo ng SAF at target alisin ang lahat ng nasa 200 SAF na nagsilbing prison guards sa NBP.

TAGS: bilibid quadrants, kubol, National Capital Region Police Office, New Bilibid Prisons, shanties, bilibid quadrants, kubol, National Capital Region Police Office, New Bilibid Prisons, shanties

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.