Panelo sinagot ang akusasyong “wala siyang alam” sa mass transport problem sa bansa

By Chona Yu October 09, 2019 - 08:16 AM

Pumalag si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa batikos ni BAYAN Secretary General Renato Reyes na wala siyang alam sa kalbaryo ng mga pasahero kung kaya nasabi niyong walang mass transport crisis sa Metro Manila.

Paliwanag ni Panelo, hindi nangangahulugan na wala siyang alam sa sitwasyon dahil lamang sa hindi pagsang-ayon sa teyorya ng militanteng grupo na may krisis sa transportasyon dahil sa pahirapan na makasakay araw-araw.

Paliwanag ni Panelo, wala naman kasing mass transport paralysis kung kaya walang mass transport crisis.

Bigo rin aniya ang transport group na maparalisa ang transportasyon kahit na nagsagawa ng nationwide transport strike kamakailan.

Aminado si Panelo na lahat ng Filipino ay nakararanas ng araw-araw na problema sa trapiko.

Sa pahayag ng BAYAN, nakararanas ng mass transport crisis ang Metro Manila dahil sa pagkasira ng LRT Line 1, 2 at MRT-3.

Pero ayon kay panelo, madaling maresolba ang problema sa LRT-2 subalit mistulang kulang ang ginagawang aksyon ng management.

Dahil dito, pinapayuhan ng palasyo ang management ng LRT-2 na tiyakin na makapagbigay ng mas epektibong serbisyo sa publiko.

TAGS: LRT 2, mass transport, mass transport problem, public transport, transport crisis, LRT 2, mass transport, mass transport problem, public transport, transport crisis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.