LRT-2 mas mabuting isapribado na ayon kay Sen. Gatchalian

By Jan Escosio October 09, 2019 - 07:58 AM

Hinihikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang LRT Authority (LRTA) na masusing pag-aralan ang posibilidad na maisapribado ang LRT Line 2.

Ang suhestiyon ni Gatchalian ay bunsod ng aberya sa operasyon ngayon ng LRT-2 na nagresulta sa pagpapatupad nito ng limitadong operasyon lamang.

Naniniwala ang senador na maiiwasan ang aberya kung private maintenance provider ang may hawak ng LRT-2.

Dagdag pa ni Gatchalian bukod sa pagbibigay ng libreng sakay dapat ay paghandaan na ng LRTA ang long tern viability ng linya at aniya ang solusyon ay ang privatization.

TAGS: lrt 2 privatization, LRT line 2, railway system, senator win gatchalian, lrt 2 privatization, LRT line 2, railway system, senator win gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.