Water level ng Angat dam muling nabawasan sa nakalipas na magdamag

Nabawasan muli ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, ang water level ng Angat dam alas 6:00 ng umaga ng Miyerkules, Oct. 9 ay 189.63 meters.

Mas mababa kumpara sa 189.74 meters kahapon ng umaga.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa Ipo dam at La Mesa dam na nasa 100.88 meters at 78.15 meters.

Ang iba pang dam sa Luzon gaya ng Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya at pawang nabawasan ang water level.

Habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa San Roque at Pantabangan.

Read more...