Dahil dito, umakyat na sa 21 ang naitatalang vaping-related deaths sa 18 US states.
Sa pinakahuling datos mula sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) as of October 1, umaot na sa 1,080 ang kumpirmadong nagkasakit nang dahil sa paggamit ng vape.
Noong nakaraang buwan, naglabas ng pahayag ang CDC at hinihikayat ang publiko na tigilan ang paggamit ng e-cigarettes na may marijuana ingredient na tetrahydrocannabinol (THC).
Sa datos kabilang sa mga nakapagtala na ng vaping-related deaths sa Amerika ang mga sumusunod:
Alabama (1)
California (2)
Delaware (1)
Florida (1)
Georgia (1)
Illinois (1)
Indiana (1)
Kansas (2)
Minnesota (1)
Mississippi (1)
Missouri (1)
Nebraska (1)
New Jersey (1)
Oregon (2)
Virginia (1)
Michigan (1)
Pennsylvania (1)
Massachusetts (1)