James Yap dalawang linggong hindi makakapaglaro dahil sa groin injury

By Rhommel Balasbas October 09, 2019 - 05:37 AM SHARE(S):

Dalawang linggong matetengga at hindi makakapaglaro para sa Rain or Shine si James Yap sa umaarangkadang PBA Governor’s Cup.

Ito ay matapos magtamo ang 2-time most valuable player (MVP) ng groin injury sa laban sa Magnolia noong nakaraang linggo.

Ayon kay coach Caloy Garcia, nakuha ni Yap ang groin injury sa second quarter ng laban sa gitna ng shot ni Magnolia import Romeo Travis.

Natalo ang Rain or Shine sa naturang laban sa iskor na 69-68.

Magugunitang nagtamo ng kaparehong injury ang 37-anyos na basketball veteran sa kasagsagan naman ng PBA Commissioner’s Cup noong Hunyo.

TAGS: basketball, Groin Injury, James Yap, PBA, Rain or Shine, Two-time MVP, basketball, Groin Injury, James Yap, PBA, Rain or Shine, Two-time MVP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.