PAGASA: Typhoon Hagibis, mababa na ang tyansang pumasok sa PAR

By Rhommel Balasbas October 09, 2019 - 05:30 AM

Mababa na ang tyansang pumasok pa sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong binabantayan sa karagatang Pacifico na may international name na ‘Hagibis’.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay malayo na ang tyansa pang pumasok ng bansa.

Huling namataan ang bagyo sa layong 2,020 kilometro Silangan ng Northern Luzon.

Nasa ‘Typhoon’ category pa rin ang bagyo taglay na ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 245 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometro bawat oras sa direksyong Hilagang-Kanluran.

Samantala, ngayong araw, ang northeasterly surface windflow ang weather system na umiiral sa bansa partikular sa Luzon.

Ang Metro Manila at buong bansa ay makararanas ng mainit at maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulang dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan, Ilocos Norte at Northern coast ng Cagayan.

TAGS: Pagasa, Philippine Area of Responsibility, Typhoon Hagibis, weather, Pagasa, Philippine Area of Responsibility, Typhoon Hagibis, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.