11 elepante patay matapos mahulog sa talon sa Thailand

AFP photo

Labing-isang elepante ang nasawi matapos mahulog sa ‘water fall’ sa Khao Yai National Park sa Thailand.

Una nang natagpuan ang anim na patay na elepante noong Sabado.

Kahapon, araw ng Martes ay lima pang katawan ang nakita sa pamamagitan ng drone video.

Ayon sa Park officials, posibleng isang ‘calf’ o baby elephant ang nahulog sa talon at sinubukan itong iligtas ng mga elepante.

Sinabi ni Khao Yai National Park director Kanchit Srinoppawan na ang mga elepante ay forest animals na nabubuhay nang grupo-grupo.

Kapag ang isang miyembro ay nasa panganib, ugali na ng ibang miyembro na tulungan ito.

“We believe that the elephants were trying to help the baby. They are forest animals that live in a group, and when one member is facing problems or needs help, they will come to help,” ayon sa park official.

Sa ngayon ay ginagawa na ang lahat para makuha ang labi ng 11 elepante upang hindi magdulot ng polusyon sa tubig.

Ito na ang pinakamalalang insidente ng pagkamatay ng wild elephants sa isang national park sa Thailand matapos ang insidente noong 1992 na namatay ang walong elepante.

Read more...