Singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water tataas simula sa Linggo

By Rhommel Balasbas October 09, 2019 - 04:59 AM

Epektibo na sa Linggo, October 13 ang dagdag-singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water.

Ito ay bunsod ng foreign currency differential adjustment (FCDA) na epekto ng palitan ng piso kontra dolyar at yen.

Una nang inaprubahan ng Board of Trustees ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang 4th quarter FCDA na 2.43 % ng basic charge.

Sa Linggo, aabot sa P0.17 kada cubic meter ang dagdag-singil ng Manila Water habang P0.02 naman ang sa Maynilad.

Meron pang natitirang P.10 cubic meter at P0.02 na ikakarga naman sa pagkwenta sa FCDA para sa first quarter ng 2020.

 

TAGS: dagdag singil, FCDA, manila water, maynilad, mwss, singil, tataas, tubig, dagdag singil, FCDA, manila water, maynilad, mwss, singil, tataas, tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.