VP Robredo nagpasalamat sa apaw na suporta sa gitna ng electoral protest
Nagpasalamat si Vice President Leni Robredo sa mga taong sumugod sa Korte Suprema araw ng Martes para magpahayag ng suporta sa kanya.
Ito ay kasabay sana ng nakatakdang deliberasyon ng SC na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) sa electoral protest na isinampa ni dating Sen. Bongbong Marcos.
Malaki ang pasasalamat ni Robredo dahil marami ang galing pa sa probinsya para lamang tumungo sa SC at maghayag ng suporta.
Mayroon din anyang naging pagtitipon sa Baguio, Naga, Cebu, Cagayan de Oro at Cotabato.
Umaasa ang bise presidente na sa huli, ang katotohanan ang manaig sa kanyang laban.
Muling ipinagpaliban ng PET ang deliberasyon sa electoral protest sa October 15.
Samantala, bumiyahe si Robredo Martes ng gabi patungong Sydney, Australia.
Ayon kay Vice presidential spokesperson Barry Gutierrez magbibigay ng keynote address si Robredo ngayong araw sa Australia-Philippines Business Council Sydney.
Nakatakda rin anyang harapin ng bise presidente ang Filipino Community sa naturang Australian state.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.