Anonas station ng LRT-2 posibleng mabuksan na rin ngayong linggo

Pinag-aaralan na rin ang posibilidad ng pagbabalik ng operasyon ng LRT-2 sa Anonas station.

Kasama ang Anonas sa tatlong istasyon na apektado ng nasunog na rectifiers sa Katipunan station

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesperson Atty. Hernando Cabrera, posibleng sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw ay maibalik na ang operasyon ng Anonas station.

Gagamitin sa Anonas ang rectifier ng kalapit na istasyon.

Posible rin umanong mula sa target na siyam na buwan ay mapaaga sa dalawa hanggang tatlong buwan ang pagbabalik sa full operations ng rail system.

Kahapon, nagsimula na ang partial-operations ng LRT-2 mula Recto hanggang Cubao at pabalik.

Limang tren lamang ang pinagbiyahe dahil sa limitadong power supply at tumatakbo ito sa bilis lamang na 40-50 kilometers per hour mula sa normal na 60-80 kph.

 

Read more...