Heart aminadong ‘maarte’ pero mabuti raw siyang tao

By Len Montaño October 09, 2019 - 04:36 AM SHARE(S):
Screengrab of Love Marie Escudero YouTube

Aminado man na siya ay “maarte,” iginiit naman ng aktres na si Heart Evangelista na siya ay isang mabuting tao.

Sa kanyang YouTube ay kasama ni Heart ang kapwa vlogger na si Mimiyuuuh.

Sa naturang video ay napwersa ang aktres na kumain ng isaw.

Dahil hindi naman sanay kumain ng isaw ay hirap si Heart na kainin ito at nang hindi na niya kinaya ay niluwa niya ang pagkain.

Ayon kay Heart, hindi naman dahil siya ay maarte kundi hindi lang daw niya talaga gusto ang isaw.

Paliwanag pa nito, hindi siya kumakain ng bituka dahil mapait at masama ang lasa nito saka sinabi na parang dinosaur ang kanyang kinain.

Tuwang-tuwa naman sa aktres si Mimiyuuuh kaya pinakain pa niya si Heart ng iba pang street foods gaya ng kikiam, fish balls, squid balls at kwek kwek na tinawag ng aktres na “quick-quick.”

TAGS: heart Evangelista, isaw, kwek-kwek, maarte, mabuting tao, Mimiyuuuh, street foods, vlog, Youtube, heart Evangelista, isaw, kwek-kwek, maarte, mabuting tao, Mimiyuuuh, street foods, vlog, Youtube

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.