Laglag na sa kamay ng otoridad ang babaeng wanted sa kasong droga sa operasyon sa Maynila Miyerkules ng madaling araw.
Ayon sa pulisya, may natanggap silang tip sa pinagtataguan ni Christine Naval, 32 anyos na wanted sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Halos tatlong buwan ng nagtatago si Naval kaya kasunod ng impormasyon ay ikinasa ang operasyon at agad naman itong nahuli.
Nakakulong na ngayon sa Malate Police Station si Naval.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.