2 Chinese nationals arestado sa tangkang panunuhol sa Makati Police

By Rhommel Balasbas October 09, 2019 - 03:21 AM

Maj. Gideon Ines Jr. photo

Timbog ang dalawang Chinese national matapos subukang suhulan ang Makati police kapalit ng paglaya ng 20 naaresto sa prostitution den sa Makati noong Lunes ng gabi.

Ayon kay Makati Police investigation unit chief, Major Gideon Ines Jr., tumungo araw ng Martes sa kanyang opisina ang mga suspek na sina Zhang Xiuqiang at Fan Jianping.

Handa umanong magbigay ng P1.7 milyon sina Zhang at Fan basta’t pakawalan ang mga inarestong Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) workers.

Maj. Gideon Ines Jr. photo

Dahil dito, agad na ipinag-utos ng police official na arestuhin ang dalawa dahil sa bribery.

Ang mga naarestong POGO workers noong Lunes ay puro lalaking Chinese nationals at customers ng prostitution den.

Umabot sa 35 sex workers ang nasagip na binabayaran umano ng P20,000 kada transaksyon.

Napag-alamang ang hotel na ginamit sa prostitution den ay pinatatakbo at nirerentahan din ng isang Chinese national.

Hindi naaresto ang nasabing Chinese national dahil wala ito nang maganap ang raid.

 

TAGS: 2 Chinese nationals, Major Gideon Ines Jr., Makati Police, P1.7 milyon, prostitution den, suhol, 2 Chinese nationals, Major Gideon Ines Jr., Makati Police, P1.7 milyon, prostitution den, suhol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.