Suhulan patuloy sa Bilibid ayon kay BuCor chief Bantag

DILG PIO photo

Aminado ang bagong pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) na patuloy ang panunuhol ng mga drug lords sa mga gwardya sa New Bilibid Prison (NBP).

Dahil dito ay nagbabala si BuCor director general Gerald Bantag na nahaharap sa kasong administratibo ang jail guard na tumatanggap ng suhol.

Ayon kay Bantag, ang target ngayon ng mga drug convicts sa Bilibid ay kanyang mga tauhan.

Nasa kasaysayan na anya ang sistema ng panunuhol ng drug lords sa mga subordinate ng BuCor chief.

Ayon kay Bantag, kahit nagpalit na ng pamunuan sa BuCor ay patuloy ang panunuhol ng mga drug lords.

 

Read more...