Imbestigasyon ng BFP sa sunog sa Star City ‘back to zero’
Magsasagawa ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng panibagong imbestigasyon sa nangyaring sunog sa Star City.
Ayon kay BFP National Headquarters (BFP-NHQ) Spokesperson Chief Insp. Jude Delos Reyes, posibleng maging “back to zero” ang pagsusuri sa sunog sa Star City kung saan nadamay ang mga tanggapan ng Manila Broadcasting Company (MBC).
Kinuha ng BFP-NHQ ang hurisdiksyon sa imbestigasyon na dating isinasagawa ng BFP National Capital Region (BFP-NCR).
Sa panayam ng DZRH, sinabi ni Delos Reyes na kailangan ang malawak at patas sa pagsusuri sa lahat ng ebidensya.
Paglilinaw ng opisyal, hindi conclusive ang unang sinabi ni Pasay City Fire Marshal Paul Pili na arson o sinadya ang sunog.
Una rito ay sinabi ng pamunuan ng Star City na ang pahayag ni Pili ay “premature, inappropriate, and irresponsible.”
Pangungunahan ng the Office of the Fire Arson Investigation Division at inter-agency task force ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang imbestigasyon na inaasahang matatapos sa loob ng 45 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.