MMDA sinuspinde ang coding para sa Cainta-Quiapo buses
By Angellic Jordan October 09, 2019 - 12:08 AM
Suspendido ang number coding scheme sa mga public utility bus sa rutang Cainta-Quaipo simula ngayong Martes, October8.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay para maasistihan ang mga pasaherong apektado ng pagkasira ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).
Suspendido ang number coding scheme sa nasabing lugar habang patuloy pa ang pagsasaayos sa LRT-2.
Ayon sa MMDA, mananatili ang suspension hanggang sa makabalik sa normal ang full operation ng tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.