Isetann Mall posibleng ipasara dahil sa kakulangan ng permit

By Rhommel Balasbas October 09, 2019 - 12:02 AM

May posibilidad na maipasara ang Isetann Mall sa Recto, Maynila dahil sa umano’y pag-operate ng walang kaukulang business permit.

Ito ang isiniwalat ni Manila Mayor Isko Moreno sa isang media forum sa Taguig City araw ng Martes.

Ayon kay Moreno, dapat ipaliwanag ng Trans Orient Management Company, operator ng mall, kung bakit wala silang permits.

“The management should explain why its operator does not possess the appropriate permits,” ani Moreno.

Ayon sa Bureau of Permits ng Manila local government, bigo ang Trans Orient Management Company na makakuha ng business permit para sa 2019.

Magugunitang nauna nang ibinabala ni Mayor Isko noong Lunes ang pagpapasara sa Isetann dahil sa bentahan ng umano’y mga nakaw na cellphones sa mga stall nito.

Sa pahayag naman ng management ng Mall, iginiit nito na mayroon silang business permit at maaaring nagkaroon lamang ng ‘miscommunication’ sa alkalde.

Handa umano silang makipagtulungan sa lokal na pamahalaan sa pagresolba sa isyu.

 

TAGS: Bureau of Permits, business permit, ipasara, Isetann Mall, Mayor Isko Moreno, miscommunication, nakaw na cellphone, second hand cellphone, Trans Orient Management Company, Bureau of Permits, business permit, ipasara, Isetann Mall, Mayor Isko Moreno, miscommunication, nakaw na cellphone, second hand cellphone, Trans Orient Management Company

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.