Palasyo: Kredibilidad ng drug war nananatili

By Chona Yu October 08, 2019 - 11:48 PM

Credible pa rin ang anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng palasyo kahit nabunyag ang labing tatlong ninja cops o ang mga pulis na sangkot sa pagrerecycle sa mga nakumpiskang illegal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kakapringgot lamang ang naturang bilang kumpara sa 185,000 strong police force.

Sinabi pa ni Panelo na exposed na ang modus ng mga pulis at tiyak na nadiskaril na ang kanilang diskarte.

Ayon pa kay Panelo, pursigido si Pangulong Duterte na labanan ang illegal na droga kung saan ilang shabu laboratories na ang nalansag at ilang drug personalities na ang napatay at naaresto sa operasyon.

 

TAGS: credible, drug recycling, drug war, ninja cops, Presidential spokesman Salvador Panelo, credible, drug recycling, drug war, ninja cops, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.