12 indibidwal kinasuhan sa pagkamatay ni PMA cadet Darwin Dormitorio

By Len Montaño October 08, 2019 - 11:06 PM

Nagsampa ng kaso ang pulisya at pamilya ni Philippine Military Academy (PMA) cadet Darwin Dormitorio laban sa 11 indibidwal kabilang ang pitong kapwa kadete nito.

May kaugnayan ang kaso sa hazing at maltreatment na naging dahilan ng kamatayan ng 20 anyos na plebo.

Batay sa dokumentong ipinadala sa INQUIRER.net ni Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson, director ng Police Regional Office Cordillera, nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing and Anti-Torture Laws ang sumusunod: Cadet 1st Class Axl Rey Sanopao; Cadets 3rd Class Shalimar Imperial, Felix Lumbag Jr., Julius Carlo Tadena, John Vincent Manalo, at Rey David John Volante; at Cadet 2nd Class Christian Zacarias.

Ang pitong PMA cadets ang sangkot sa pagbugbog kay Dormitorio simula August 19 hanggang namatay ito sa isang ospital ng PMA noong September 18.

Isinampa ng Baguio City Police Office (BCPO) at pamilya Dormitorio ang mga reklamo sa Baguio City Prosecutor’s Office.

Una nang tinanggal sa PMA sina Sanopao, Imperial at Lumbag.

Ayon naman kay Baguio police director Col. Allan Rae Co, kasama sa asunto ang dalawang tactical officers at tatlong doktor ng PMA.

Ito ay sina Maj. Rex Bolo, Capt. Jeffrey Batistiana, Capt. Flor Apple Apostol, Capt. Maria Ofelia Beloy, at Lt. Col. Cesar Candelaria.

Kinasuhan ang tatlong doktor dahil sa tinatawag na “dereliction of duty” na nagresulta sa kamatayan ni Dormitorio.

 

TAGS: anti hazing law, Anti-Torture Law, Darwin Dormitorio, dereliction of duty, hazing, kinasuhan, maltreatment, PMA, anti hazing law, Anti-Torture Law, Darwin Dormitorio, dereliction of duty, hazing, kinasuhan, maltreatment, PMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.