P68M halaga ng shabu nasabat ng PDEA sa QC; 3 arestado

By Angellic Jordan October 08, 2019 - 10:18 PM

Nakumpiska angP68 milyong halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City, Martes ng hapon.

Nakuha ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-National Capital Region, katuwang ang Quezon City Police District (QCPD) Police Station 2, ang mga hinihinalang shabu sa bahagi ng Sta. Catalina Street sa Barangay Sienna bandang 4:30 ng hapon.

Nagresulta rin ang operasyon sa pagkakaaresto sa Chinese national na suspek na si Liu Fu Gui, at dalawang Pinoy na sina Keith Anthony Romo, call center programmer at Nonito Garlindo, gasoline boy.

Nakuha sa mga suspek ang 10 kilong shabu, dalawang unit ng 4-wheeler na sasakyan at ginamit na buy-bust money sa operasyon.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 10 kilo, 2 pinoy, buy bust, chinese national, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, P68 million, PDEA, QCPD, quezon city, shabu, 10 kilo, 2 pinoy, buy bust, chinese national, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, P68 million, PDEA, QCPD, quezon city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.