Sabay-sabay na binuksan ngayong araw ang 27 free Wi-Fi stations sa ilang bahagi ng bansa na may bilis na aabot sa 30 megabits per second (mbps).
Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan na target ng kagawaran na makapagtayo ng kabuuang 8,073 sites bago matapos ang taong kasalukuyan.
Ipinaliwanag ni Honasan na titiyakin nila na mapanatili ang mabilis na internet connection sa bawat Wi-Fi stations.
Inilunsad ang nasabing programa kanila sa Philippie Army General Hospital sa Taguig City.
“You connect government to other governments — domestic and global, you connect government to business, connect government to our citizens, and connect government to our armed men who are protecting this country,” dagdag pa ni Honasan.
Kabilang sa mga lugar na unang makikinabang sa libreng Wi-Fi connection ang Dagupan City, Tuguegarao City, Mabalacat City, Morong, Rizal at Victoria, Oriental Mindoro.
Kasama rin sa listahan ang Sorsogon, Iloilo Negros Occidental (Region 6); Cebu City (Region 7); Eastern Samar (Region 8); Zamboanga City (Region 9); at Cagayan de Oro (Region 10).
Sa Mindanao regiona kasama ang Davao City (Region 11); South Cotabato (Region 12); Agusan del Norte (Region 13) at Cotabato City (BARMM).