Pagbili ng “command and control” jet di dapat intrigahin ayon sa Malacanang

By Chona Yu October 08, 2019 - 05:01 PM

File photo

Dinipensahan ng Malacanang ang pagbili ng Department of National Defense ng P2 Billion na halaga ng command and control jet sa US para kay pangulong Rodrigo Duterte at iba pang senior officials ng pamahalaan.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, gagamitin lang naman ang mga bagong Gulfstream G280 aircraft kapag mayroong crisis situation.

Hindi aniya pagwawaladas at gagamitin ang mga jet para maging komportable ang pagbiyahe ng pangulo.

Kilala naman aniya ng taong bayan na masyadong matipid si Pangulong Duterte.

Hindi aniya si Pangulong Duterte ang nag request sa DND na bumili ng presidential jet.

Ayon kay panelo, si Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pumirma sa kontrata noong nakaraang taon.

Sa August, 2020 inaasahang idedeliver ng Amerika sa Pilipinas ang mga biniling jet.

Idinagdag pa ni Panelo na ang pagbili ng jet sa US ay patunay na nananatiling maganda ang relasyon ng Pilipinas sa nasabing bansa.

Matatandaang hinarang ng ilang US senators ang pagbili ng armas ng Pilipinas sa Amerika noong 2017 sa pangambang gagamitin lamang ang mga baril sa madugong anti drug war campaign.

TAGS: command and control jet, DND, duterte, gulfstream G280, panelo, presidential plane, command and control jet, DND, duterte, gulfstream G280, panelo, presidential plane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.