2 hinihinalang holdaper patay sa engkwentro sa mga pulis sa Davao City

By Jimmy Tamayo October 08, 2019 - 01:23 PM

Patay ang dalawang hinihinalang holdaper matapos makipag-barilan sa mga pulis sa Barangay 9-A Davao City.

Kinilala ang isa sa napatay na si Rogelio Wenceslao, 29 anyos at residente ng Tugbok District Davao City.

Ayon sa ulat, nakorner ang dalawa matapos holdapin ang biktimang si Elias Mauso, 20-anyos sa Marfori Subdivision.

Agad umanong nagpaputok ang mga ito kaya gumanti ng putok ang mga operatiba ng Davao City police.

Isinugod pa sa Southern Philippines Medical Center ang dalawang suspek pero idineklara dead on arrival.

Nakuha sa mga ito ang dalawang identification cards na may pangalan na Rogelio Heducos Wenceslao; isang school ID ng biktima; isang coin purse na naglalaman ng mahigit P900; isang sachet na naglalaman ng pinatuyong marijuana leaves; isang revolver ; apat na bala; isang patalim; at tatlong basyo ng bala ng 9mm.

TAGS: holdaper, Rogelio Wenceslao, Tugbok District Davao City, holdaper, Rogelio Wenceslao, Tugbok District Davao City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.