Chalk allowance increase isa lang sa ‘raise package’ para sa mga guro, ayon kay Sen. Ralph Recto

By Jan Escosio October 08, 2019 - 01:00 PM

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na hindi dapat mabalewala ang iba pang panukalang ‘pay increases’ sa mga public school teachers kapag nadagdagan ang kanilang suweldo.

Sinabi ni Recto, kabilang sa pakete bukod sa umento ay ang pagtaas ng kanilang chalk allowance, clothing allowance, karagdagang higher salary grade positions at Personnel Economic Relief Allowance o PERA.

Aniya maari naman hindi sabay sabay ang pagbibigay ng pay hike package ngunit kailangan ay may maibigay na sa lima.

Sinabi ng senador na maaring unahin ang dagdag chalk allowance sa P5,000 mula sa P3,500 dahil kailangan lang nito ng P1.25 bilyon.

Gayundin ang karagdagang P2,000 sa P6,000 clothing allowance dahil popondohan lang ito ng P1.81 bilyon.

Katuwiran ni Recto lubhang napakaliit ng P3,500 chalk allowance kayat palaging humuhugot sa kanilang sariling bulsa ang mga guro para sa mga kailangan gamit sa kanilang pagtuturo.

TAGS: chalk allowance, pay hike, salary increase, teachers, chalk allowance, pay hike, salary increase, teachers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.