Pagbaba ng ratings ni Pangulong Duterte hindi na nakapagtataka ayon sa Makabayan bloc

Hindi na ikinagulat ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pagbaba ng approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre.

Ayon kay Zarate, ito ay dulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang pakikipag-mabutihan nito sa China.

Ang nakuha anyang 78 percent ng pangulo mula sa 85 percent noong Hunyo ay kapareho rin ng nangyari noong nakaraang taon nang sumadsad sa +45 ang kanyang net satisfaction rating mula sa +56.

Naniniwala ang mambabatas na patuloy pa itong babagsak lalo na kapag hindi itinigil ang implementasyon ng TRAIN Law, pag-iral ng extrajudicial killings at labkr contractualization at pagsusunud-sunuran sa Chinese government.

Sinabi naman ni Kabataan Rep. Sarah Elago na asahan pa sa mga susunod na buwan ang pagbagsak pa ng ratings ni Pangulong Duterte.

Ito anya ay dahil sa sunud-sunod na kahirapan at krisis na nararanasan ng publiko.

Bukod dito, nasiwalat din ang korapsyon at katiwalian sa GCTA, ninja cops at iba pang isyu ng korapsyon na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno.

Read more...