Top gymnast Carlos Yulo pasok na sa 2020 Tokyo Olympics

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2019 - 12:43 PM SHARE(S):

Pasok na sa 2020 Tokyo Olympics ang top gymnast ng bansa na si Carlos Edriel Yulo.

Nag-qualify si Yulo sa global Summer Games matapos makaabante sa finals ng men’s all-around event ng 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Stuttgart, Germany.

Nagtapos si Yulo sa pang-16 na pwesto sa preliminary round mula sa 20 Olympic qualifiers na galing sa 14 na mga bansa.

Makakasama ni Yulo si pole vaulter EJ Obiena na nauna nang nag-qualify para sa Tokyo Olympics.

Nagpaabot naman ng pagbati ang Philippine Sports Commission (PSC) sa tagumpay ni Yulo.

TAGS: Carlos Yulo, PH top gymnast, Tokyo Olympics, Carlos Yulo, PH top gymnast, Tokyo Olympics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.