Iba’t ibang uri ng isda nabingwit sa tinaguriang “Baseco Beach”

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2019 - 11:53 AM

Nakahuli ng iba’t ibang uri ng isda sa tinaguriang “Baseco Beach” sa Manila Bay.

Umaga ng Martes, Oct. 8 nang mahuli ng mga residente ang mga isda.

Ibinahagi din ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang mas malinis na Baseco Beach nang magsagawa ng pag-iikot ang kanilang mga tauhan, Martes ng umaga.

Noong Lunes, sinabi ng PRRC na may mga hipon naman na nahuli sa Ilog Pasig.

Patuloy ang rehabilitasyon ng pamahalaan sa Manila Bay at Pasig River.

TAGS: Baseco beach, baseco compound, manila, Manila Bay, Pasig River Rehabilitation Commission, Tondo, Baseco beach, baseco compound, manila, Manila Bay, Pasig River Rehabilitation Commission, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.