Police generals na kasama sa Russia trip ni Pangulong Duterte walang kinalaman sa nalalapit na paghirang ng bagong PNP chief
Nilinaw ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na hindi dapat bigyan ng ibang kahulugan ang pagbitbit ni Pangulong Duterte sa ilang police generals sa kanyang five-day state visit sa Russia.
Ayon kay Go mali na isipin na ang mga isinamang police generals ay ang pagpipilian ni Pangulong Duterte na susunod na hepe ng pambansang pulisya.
Sinabi nito na may pinagpipilian na ang punong ehekutibo at napakahalaga na ang papalit kay PNP Chief Oscar Albayalde ay itutuloy ang mga ginagawang reporma sa pambansang pulisya.
Dagdag pa ni Go dapat ay ituloy din ng susunod na PNP chief ang internal cleansing sa hanay ng mga pulis para maalis ang mga bugok sa matitino.
Banggit din ng senador dapat ay prayoridad ng kapalit ni Albayalde ang malinis na pagbibigay serbisyo.
Nakatakdang magretiro sa serbisyo si Albayalde sa susunod na buwan at sinabi nito na hindi siya magbibitiw sa kabila nang pagsangkot sa kanya sa modus ng ‘ninja cops.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.