Labasan ng baho sa PNP aprub sa Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2019 - 11:33 AM

Hindi nababahala ang Palasyo ng Malakanyang sa labasan ng baho ng mga opisyal ng Philippine National Police.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, magandang hakbang pa nga ito kaysa magtakipan para mabuksan sa publiko ang ginagawang kalokohan ng mga pulis.

Tiyak aniya na malilinis ang isang organisasyon kapag nabuking na ang kanilang mga modus operandi.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DILG ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa mga ‘ninja cops’ o ang mga pulis na sangkot sa pagre-recycle sa ilegal na droga kung saan nadawit na rin ang pangalan ni PNP chief Oscar Albayalde.

TAGS: ninja cops, PNP, president duterte, Radyo Inquirer, ninja cops, PNP, president duterte, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.