Driver ng SUV sugatan sa pananambang sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2019 - 11:17 AM

Sugatan ang isang driver ng SUV makaraang tambangan ng riding-in-tandem sa Brgy. Manresa sa Quezon City.

Nangyari ang pananambang habang binabagtas ng SUV ang bahagi ng Sgt. Rivera, Martes, Oct. 8 ng umaga.

Dinala na sa ospital ang biktima.

Tatdtad ng tama ng bala ng baril ang magkabilang bintana ng SUV partikular ang nasa driver’s seat at nasa likurang passenger seat.

Ligtas naman ang isa pang sakay ng SUV.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

TAGS: ambush incident, manresa, quezon city, riding in tandem, suv driver, ambush incident, manresa, quezon city, riding in tandem, suv driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.