Meralco may dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan ng Oktubre

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2019 - 10:58 AM

Tataas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company o Meralco ngayong buwan ng Oktubre.

Ayon sa Meralco, mayroong dagdag-singil na P0.0448 kada kilowatt hour.

Sa pahayag ng Meralco, kahit bumaba ang halaga ng kuryente sa spot market at suppliers ay nabawasan ang halaga ng refund na unang iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ibig sabihin ang halaga ng refund ay mas mababa ngayong Oktubre kumpara noong Setyembre.

Nagkaroon din ng bahagyang pagtaas sa transmission charge.

Dahil sa dagdag-singil, ang mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan ay may dagdag na P8.96 sa kanilang bill.

Ang mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour kada buwan ay may dagdag na P13.44 sa kanilang bill.

P17.92 naman ang dagdag sa bill kung ang konsumo ay 400 kilowatt hour kada buwan.

Habang P22.40 naman ang dagdag sa bill ng mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hour kada buwan.

TAGS: dagdag singil, Meralco, october bill, power rate hike, dagdag singil, Meralco, october bill, power rate hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.