Miyembro ng Abu Sayyaf patay sa bakbakan Sulu; isa pang babaeng terorista arestado

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2019 - 10:39 AM

Isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf ang nasawi sa engkwentro sa mga otoridad sa Talipao, Sulu.

Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command (WestMinCom) tumagal ng 20 minuto ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at tinatayang 30 miyembro ng bandidong grupo.

Sinabi ni Encinas na natagpuan ang katawan ng suspek matapos ang bakbakan.

Samantala, isang babaeng miyembro din ng Abu Sayyaf ang nadakip.

Kinilala itong si Nursaina Jarad Sahi na nagtamo ng shrapnel wounds bunsod ng engkwentro.

Dinala siya sa Camp Bautista Station Hospital para malapatan ng lunas.

Ayon kay Encinas, nakumpiska ng mga sundalo ang isang M16 rifle, M203 grenade launcher at Galil rifle.

TAGS: abu sayyaf group, armed forces of the philippines, ASG, encounter, Sulu, talipao, abu sayyaf group, armed forces of the philippines, ASG, encounter, Sulu, talipao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.