Pampasaherong bus bumangga sa center island sa Camalig, Albay

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2019 - 10:26 AM

Isang pampasaherong bus na patungo sa Sorsogon ang bumangga sa center island sa bahagi ng Camalig, Albay.

Ayon kay Rodel Aba, inspektor ng Bicol Isarog bus, base sa pahayag ng driver ng naaksidenteng bus, mayroon umano siyang iniwasang kotse.

Sa halip na mabangga ang nasabing kotse, nagpasya umano ang driver na iliko ang manibela kaya inararo niya ang concrete barrier.

Galing sa Maynila ang bus at patungo sana ng bayan ng Busan nang mangkari ang aksidente sa boundary ng Brgy. Ilawod at Brgy. Centro Poblacion madaling araw ng Martes (Oct. 8).

Wala namang nasaktang pasahero na inilipat na lang sa ibang bus.

TAGS: Albay, Bicol Isarog, bus, Camalig, road accident, Sorsogon, Albay, Bicol Isarog, bus, Camalig, road accident, Sorsogon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.