Mataas na penalty sa mga hindi nakababayad ng tama sa mga pabahay sa Pasig pinahihinto ni Mayor Vico Sotto

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2019 - 09:47 AM

Ipinatitigil ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagpapataw ng compounding monthly penalties sa mga residenteng nanihirahan sa mga pabahay sa lungsod na nabibigong makabayad sa tamang petsa.

Sakop ng kautusan ang BLISS housing sa lungsod.

Base sa nilagdaang memorandum ni Sotto, inaatasan nito ang Pasig Housing Regulatory Unit na itigil ang pagpapataw ng compounding penalties sa mga delinquent payers.

Ito ay dahil wala umanong legal at contractual basis ang pagpapataw ng naturang penalties.

Ani Sotto, maraming nababaon sa utang dahil sa polisiya na ilang taon nang ginagawa pero wala palang basehan na batas o ordinansa.

Epektibo ngayong araw, Oct. 8 sinabi ni Sotto na flat penalty na lang sa bawat buwan na huli sa pagbayad ang ipatutupad.

Ang nasabing flat rate ay 3 percent na penalty sa bawat buwan ng delinquency.

Pinagaaralan din ng Task Force Pabahay ng Pasig ang pagpapababa pa ng penalty at monthly payment sa mga pabahay.

TAGS: compounding monthly penalties, Pabahay, Pasig City, Pasig Housing Regulatory Unit, task force pabahay, Vico Sotto, compounding monthly penalties, Pabahay, Pasig City, Pasig Housing Regulatory Unit, task force pabahay, Vico Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.